NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office sa Eastern Visayas ng 788 family food boxes sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Tacloban City bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng Shear Line.
Agad nag-deliver ang ahensya ng relief assistance sa mga komunidad na binaha sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
ALSO READ:
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
771 family food boxes ang ipinamahagi sa Barangay 110 Utap habang 17 family food boxes ang ibinigay sa mga residente ng Barangay 99 Diit.
Una nang inanunsyo ng DSWD na handa na ang relief resources na nagkakahalaga ng 139.04 million pesos, sa harap ng inaasahang epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan ngayong Linggo.
