MAS mababa ang naitalang insidente ng scams ngayong Holiday Season ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Ayon kay CICC Executive Director Renato Paraiso, ngayong panahon ng kapaskuhan karaniwang dumarami ang insidente ng scams, pero bumaba ito ngayong taon dahil sa pagtaas ng bilang ng mga naaarestong scammers.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Kapag ganitong Holiday Season, sinabi ni Paraiso na laganap ang online shopping scam at ang mga delivery scams.
Tumaataas din aniya ang insidente ng travel scams at yung mga love scams ngayong kapaskuhan.
Pinaalalahanan ni Paraiso ang mga namimili online na maging maingat at huwag basta-basta magbabahagi ng kanilang personal na impormasyon.
Aktibo ang Threat Monitoring Center ng CICC para mabantayan ang mga insidente ng scam.
Kung sakaling mabibiktima, maaaring mag-report sa CICC hotline na 1326.
Samantala, magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit pitumpung libong pulis sa malalaking simbahan at sa iba pang mga lugar sa buong bansa.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng tradisyunal na siyam na araw na Misa De Aguinaldo o simbang gabi.
Sa statement, sinabi ni PNP Acting Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez na paiigtingin nila ang foot patrols, checkpoints, at Mobile Units sa paligid ng mga simbahan.
Palalakasin din ng pambansang pulisya ang koordinasyon sa Local Government Units, barangay officials, at church authorities para sa crowd management at emergency preparedness.
Kabilang sa concerns na kanilang babantayan ay pagnanakaw, pickpocketing o pandurukot, at ligtas na daloy ng trapiko sa matataong lugar.
