Pinaalahanan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang mga overseas Filipino workers na mag-ingat sa mga fixer.
Ayon sa OWWA, libre ang lahat ng kanilang serbisyo kabilang ang repatriation, livelihood at iba pa.
ALSO READ:
Sinabi ng OWWA na nakatatanggap ito ng mga sumbong tungkol sa mga fixer at indibidwal, kabilang ang ilang online accounts, na nang-aabuso sa mga programa ng ahensya para sa mga OFW lalo na ang mga distressed workers.
Ang mga gumagawa ng panloloko online gamit ang Facebook, chat groups, social media posts ay maaaring mapanagot sa Cybercrime Prevention Act.
Maaari din silang maharap sa kasong paglabag sa Anti-Fixer Law at estafa.