POSIBLENG bumilis ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, sa Nobyembre, subalit pasok pa rin sa 2 hanggang 4 percent band, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa pagtaya ng Central Bank, posibleng maitala sa 2.2 hanggang 3 percent ang inflation rate sa nakalipas na buwan ng Nobyembre, mas mabagal kumpara sa 4.1 percent noong November 2023.
ALSO READ:
Gayunman, ang upper end ng forecast ay maaring mas mabilis kumpara sa 2.3 percent na naitala noong Oktubre.
Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang November inflation data sa Dec. 5, araw ng Huwebes.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									



