NA-promote sa Group II ng Billie Jean King (BJK) Cup sa Bahrain ang Philippine Women’s National Tennis Team, matapos manalo kontra sa koponan ng Laos sa kanilang promotional match.
Nakamit ng Pilipinas ang tagumpay matapos ang tatlong taong hiatus ng bansa mula sa naturang tournament.
ALSO READ:
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Masaya ang disi nueve anyos na tennis ace na si Alex Eala dahil nakatulong siya sa pag-abante ng kanilang team.
Pinasalamatan din niya ang Filipino Community sa Bahrain na araw-araw na nagtutungo sa tennis court para suportahan at panoorin ang kanilang mga laban.
Ang Billie Jean King Cup ay ang World’s Premiere Team Tennis Competition para sa kababaihan.
