“OKAY na” si Dating Vice President at News Anchor Noli De Castro matapos sumailalim sa surgery bunsod ng hindi tinukoy na karamdaman.
Ayon ito sa kanyang anak na si Philippine Information Agency Director-General Katherine “Kat” De Castro.
ALSO READ:
Sa binura ng Facebook post, humingi si Kat ng panalangin para sa kanyang ama na mas kilala bilang “Kabayan.”
Makalipas ang ilang oras ay nag-post uli si Kat ng update para sabihing maayos na ang kanyang ama.
Sa comments section, inihayag ng dating journalist na sumailalim ang kanyang ama sa surgery, bagaman hindi ito nagbigay ng iba pang mga detalye.




