PERSONAL na dinaluhan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang cash gift distribution para sa tatlundaan at labing walong senior citizens.
Binubuo ito ng Octogenarians o 80 years old at Nonagenarians o 90 years old, na tumanggap ng tig-sampung libong piso mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).
ALSO READ:
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Isinagawa ang distribusyon ng cash gifts sa pagtutulungan ng LGU Calbayog City, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), at City Social Welfare and Development (CSWDO).
Ang aktibidad na idinaos, kahapon, sa Carmen Covered Court sa Barangay Carmen ay katibayan ng commitment ng City Government sa pagkilala at suporta sa elderly community ng Calbayog.
