Inaprubahan ng Indian Government ang pagkakaloob ng 30-day e-Tourist visa sa mga mamamayan ng Pilipinas na kailangang bayaran na visa fee.
Ayon sa anunsyo ng Indian Embassy, epektibo na ang “Gratis e-Tourist visa” para sa mga Pinoy at tatagal ito hanggang July 31, 2026.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Sinabi ng embahada na maaaring mag-apply ng 30-day e-Tourist visa sa pamamagitan ng online.
Kailangang ihain ang aplikasyon apat na araw bago ang inaasahang petsa ng arrival sa India o mas maaga pa.
Iiral naman ang visa fee kapag ang biyahero ay lalagpas sa 30-araw ng pananatili sa India, o kaya ay mag-aapply ng ibang visa gaya ng e-Business, e-Conference, e-Medical, e-Medical Attendant, e-Ayush, at e-Student.