UMAKYAT sa 14.5 million pesos ang idineklarang Net Worth ni Mario Lipana – isa sa mga opisyal ng pamahalaan na iniugnay sa flood control scandal.
Ito ay sa loob ng nakalipas na dalawang taon na nagsilbi siya bilang commissioner ng Commission on Audit (COA), batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.
Natuklasan sa SALN ni Lipana na lumobo ng 120.53% ang kanyang kayamanan, na mula sa 12.03 million pesos noong January 2022 ay naging 26.53 million pesos noong December 2024.
Unang naugnay si Lipana sa flood control controversy nang mabanggit ito ni Dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, na humirit ng referral sa DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.
Isiniwalat naman ni Dating District Engineer Henry Alcantara na nakausap nito si Lipana noong 2022, na humingi ng listahan ng Flood Control Projects sa Bulacan na maaring pondohan ng DPWH Sinabi ni Alcantara na budget request ni Lipana ay pinondohan sa ilalim ng Unprogrammed Appropriations noong 2023 ng 500 million pesos; 400 million pesos noong 2024; at 500 million pesos ngayong 2025.




