13 October 2025
Calbayog City
Metro

Navotas City, isinailalim na rin State of Calamity

ISINAILALIM na rin State of Calamity sa lungsod ng Navotas, sa gitna ng nararanasang sama ng panahon at matinding pagbaha.

Sa isinagawang Special Session, kahapon, sa pangunguna ni Vice Mayor Tito Sanchez, kasama ang buong konseho, idineklara ni Mayor John Rey Tiangco ang State of Calamity, sa pamamagitan ng City Resolution No. 2025-71.

Sa naturang deklarasyon, mabibigyan ng karapatan ang lokal na pamahalaan na gamitin ang Calamity Fund upang tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Crising at matinding pagbaha.

Kahapon ng umaga ay isang pader sa Celestino St. sa Barangay San Jose ang gumuho dahilan para umagos ang tubig at nagdulot ng hanggang lagpas bawyang na baha, na sinabayan pa ng 2.0 meters na High Tide.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).