Iimbestigahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang insidente na nangyari sa mga GCash users noong weekend kung saan marami ang nagreklamo na nawalan sila ng pera sa kanilang e-wallet.
Inatasan din ng BSP, ang G-Xchange Inc. na operator ng GCash na agad resolbahin ang mga unauthorized deductions sa account ng mga users.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Pinagsusumite ng BSP ang GXI ng regular na update sa ginagawa nitong aksyon.
Ayon sa BSP base sa inisyal na report sa kanila ng GXI, “system error” ang nangyari.
Tiniyak din ng GXI na secured ang account ng mga GCash user.
Hinimok ng BSP ang mga naapektuhang user na makipag-ugnayan sa GXI.