PINALALAKAS ng munisipalidad ng Daram, Samar ang mga hakbangin upang malabanan ang post-harvest fish losses sa pamamagitan ng comprehensive five-year development plan na nagkakahalaga ng 249.8 million pesos.
Suportado ito ng mahahalagang stakeholders ng munisipalidad, upang mabawasan ang pagkasira ng mga isda, mapagbuti ang storage facilities, maging ang ang kabuhayan ng mga mangingisda.
Binigyang diin ni Vice Mayor Lucia Astorga ang kahalagahan na matugunan ang mataas na postharvest loss na nasa 40.34 percent, batay sa isinagawang pag-aaral ng Center for Sustainable Aquaculture and Agri-Based Innovations noong 2024.