15 March 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos Jr., pinangunahan ang inaugural cash payout ng seniors sa ilalim ng Expanded Centenarians Act

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang social protection, gayundin ang kapakanan ng mga senior citizen sa bansa.

Ito’y nang pangunahan ng Pangulo ang nationwide inaugural distribution ng cash gifts sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Expanded Centenarians Act of 2024 o Republic Act No. 11982 sa Malakanyang.

Alinsunod sa batas, makatatanggap ng 10,000 pesos na cash incentives ang mga senior, pagsapit nila sa edad na 80, 85, 90, at 95.

Mananatili pa rin naman ang 100,000 pesos na cash gift para sa centenarians o 100-year old seniors, sa ilalim ng Centenarians Act of 2016 o R.A. No. 10868.

Labing apat na senior citizens ang tumanggap ng inaugural cash gift sa Palasyo, habang kabuuang 1,079 beneficiaries ang sabayang nakatanggap ng cash incentives sa labinlima pang venues sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).