NANAWAGAN si Archbishop John Du ng Palo, Leyte sa mga deboto na ipagdasal ang agarang paggaling at kalakasan ni Pope Francis, na tanging Santo Papa na bumisita sa Eastern Visayas.
Sa open letter, hiniling ni Du na ipagpatuloy ang pag-aalay ng panalangin para sa Holy Father na nananatili sa kritikal na kondisyon sa Gemelli hospital sa Roma.
Ipinaalala ng Arsobispo na makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Leyte noong Jan. 17, 2015, kung saan nakisimpatya ito sa mga survivor ng super typhoon Yolanda na tumama sa rehiyon noong Nov. 8, 2013.
Sa kanyang pagbisita, pinangunahan ng Santo Papa ang misa sa Tacloban na dinaluhan ng mahigit dalawang daanlibong mga deboto, sa kabila ng nararanasang bagyo.
Nagtungo rin si Pope Francis sa Palo Cathedral at nakaharap ang mga pamilyang naapektuhan ng super typhoon Yolanda.