NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority sa publiko laban sa mga nagbebenta ng complimentary passes ng Metro Manila Film Festival.
Ayon sa MMDA, ang MMFF complimentary tickets ay ‘strictly not for sale’.
ALSO READ:
Paalala ng ahensya hindi dapat tangkilikin ang mga nagbebenta nito sa online o kahit saan mang platform.
Dapat ding tiyakin ng moviegoers na orihinal ang hawak na mga passes at kilala nila ang pinanggalingan nito.
Kung may ma-e-encounter na nagbebenta o bumibili ng MMFF passes, maaari itong itawag sa MMDA hotline 136.




