19 December 2025
Calbayog City
National

P8.9-B “last-minute” changes sa budget ng Farm-To-Market Roads, pinuna ng mga senador; bahagi ng P45-B na tinapyas sa budget ng DPWH, posibleng ibalik sa ahensya

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang mga senador sa 8.9 billion pesos na halaga ng Farm-To-market Road (FMR) Projects na umano’y na-swap, dalawang araw matapos aprubahan ng Bicameral Conference Committee (BICAM) ang panukalang 2026 Budget ng Department of Agriculture.

Sa ika-apat na araw ng BICAM deliberations, sinabi ni senador Francis “Kiko” Pangilinnan, Chairman ng Senate Committee on Agriculture na sumulat sa kanya si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may petsang Dec. 15 para sa listahan ng FMR Projects na hindi kasama sa bersyon na inaprubahan ng BICAM noong Dec. 13.

Ayon kay Pangilinan, ipinaliwanag ni Tiu Laurel na nagbigay ang DA ng bagong listahan dahil ang naunang isinumite ay walang approval mula sa kanya, dahil siya ay naka-medical leave.

Binigyang diin ng senador na paninindigan nila ang listahan ng FMR Projects na inaprubahan noong Dec. 13, maliban na lamang kung may BICAM members na tututol.

Sa bahagi naman ni Senador Loren Legarda, ipinunto niya na ang lapses ay maaring makaapekto sa pagpa-plano ng Government Projects sa hinaharap, kasabay ng pagkabahala na maaring gayahin ng ibang mga ahensya ang DA.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.