ILANG araw bago mag-pasko tumambad sa MMDA ang tambak na mga basura sa ilang pumping stations sa Metro Manila.
Nabahala naman ang MMDA sa sitwasyong ito ng mga pumping stations at sinabing hindi ito maituturing na bahagi ng Christmas spirit.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Chinese national na umano’y kinidnap, nasagip sa Parañaque
Nagsagawa ng paglilinis ang mga tauhan ng Flood Control and Sewerage Management Office ng MMDA sa mga pumping stations.
Ayon sa MMDA, ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura ang nagiging sanhi ng pagbabara sa mga drainage at pumping station.
Nagreresulta naman ito sa pagkaantala ng operasyon ng mga pasilidad at nagdudulot ng pagbaha.
Paalala ng MMDA sa publiko, maging responsable sa pagtatapon ng basura hindi lamang ngayong Christmas Season kundi sa lahat ng pagkakataon.
