NAGLABAS ng paalala ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga taong magtutungo sa mga sementeryo sa Undas.
Ayon sa MMDA, dapat maging handa, disiplinado, at responsable sa pagbisita sa mga yumaong mahal sa buhay.
ALSO READ:
Pinayuhan din ang publiko na magdala inuming tubig, payong o kapote, flashlight, at first-aid kit upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Para naman mapanatili na malinis ang mga sementeryo, dapat ding magdala ng sariling trash bag, eco bag, at gamit panglinis.
Tutulong ang mga tauhan ng MMDA sa pagtitiyak na magiging maayos na daloy ng trapiko at sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga pampublikong sementeryo sa Undas.




