INANUNSYO ng Mutya ng Pilipinas Organization na gaganapin sa bansa ang Miss Tourism International ngayong taon.
Lumipad sa Pilipinas mula sa Kuala Lumpur, Malaysia ang Pangulo ng International Pageant na si Tan Sri Datuk Danny Ooi, para personal na dumalo sa press conference.
ALSO READ:
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Sinabi ng Malaysian Pageant Owner na marami silang pinagpiliang bansa, gaya ng Nigeria, subalit mas matimbang sa kanya ang Pilipinas dahil malapit lamang.
Idinagdag pa niya na maraming magagandang lugar sa Pilipinas, at posibleng ganapin ang international pageant sa Davao subalit magkakaroon din aniya ng iba pang aktibidad sa Metro Manila.
Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang Miss Tourism International Pageant sa labas ng Malaysia.
