INANUNSYO ng ruling military government sa Myanmar ang temporary ceasefire sa kanilang operasyon laban sa armed opposition groups.
Ito’y para matutukan ang recovery efforts kasunod ng malakas na lindol na tumama sa bansa noong Biyernes.
Ayon sa State-Run MRTV, magtatagal ang tigil-putukan hanggang sa ika-dalawampu’t dalawa ng Abril.
Sa pinakahuling tala ng pamahalaan, mahigit dalawanlibo at pitundaang katao na ang nasawi sa magnitude 7.7 na lindol.
Apat na taon na ang nakalipas mula nang sumiklab ang civil war sa Myanmar kasunod ng military coup, kung saan sinasagupa ng Junta Forces ang rebel groups sa iba’t ibang bahagi ng bansa.