NAGBABALA ang militar sa New People’s Army (NPA) ng mas maigting na operasyon kung hindi sila susuko.
Dismayado si Major Gen. Adonis Orio, Commander ng 8th Infantry Division, dahil sa patuloy na paghahasik ng kaguluhan ng NPA sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan na hikayatin silang sumuko at mapayapang makihalubilo sa lipunan.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sinabi ni Orio na kung hindi aabandonahin ng mga rebelde ang armadong pakikibaka at kanilang ligaw na ideolohiya, patuloy na magkakaroon ng mga trahedya.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos mapaslang sa engkwentro ang dalawang rebelde sa bulubunduking Barangay sa Las Navas, Northern Samar noong March 23 at 28.
