DALAWANDAAN pitumpu’t walong dating rebelde sa Leyte ang tumanggap ng libreng pabahay mula sa pamahalaan.
Ang 125-Million Peso Housing Program na pinondohan ng National Housing Authority (NHA) ay matatagpuan sa loob sa 120-hectare property ng provincial government sa Barangay Daja Daku.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Sinimulan ang konstruksyon ng mga yunit noong 2022.
Naniniwala si Governor Carlos Jericho Petilla na hindi na mahihikayat ang mga dating rebelde na sumaping muli sa New People’s Army ngayong bumubuti na ang kanilang buhay.
