24 June 2025
Calbayog City
Entertainment

Ryan Cayabyab, ligtas na nakauwi sa Pilipinas matapos abutan ng malakas na lindol sa Thailand

LIGTAS na nakabalik sa bansa si Ryan Cayabyab mula sa Bangkok, Thailand, matapos ma-delay ang pag-uwi bunsod ng magnitude 7.7 na lindol noong Biyernes.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng national artist for music na kasama niya ang kanyang misis na si Emmy sa loob ng isang establishment sa Bangkok nang lumindol.

Aniya, palabas na sila ng building matapos mananghalian nang biglang magkaroon ng tulakan hanggang sa dumami na ang mga tao sa daan.

Idinagdag ni Mr. C na hindi agad sila nakapasok sa kanilang hotel, at napakahaba rin ng pila sa elevator bago sila nakarating sa kanilang kwarto.

Dali-dali aniya silang nag-empake at natagalan uli sa paghihintay bago makababa sa lobby.

Pinapurihan naman ni Mr. C ang hotel staff sa pag-assist sa kanila at sa iba pang pang guests hanggang sa makapag-book sila ng sasakyan patungong airport.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).