27 April 2025
Calbayog City
National

Bilang ng pamilyang Pinoy na nakaranas ng gutom, tumaas, ayon sa SWS

UMAKYAT sa 27.2 percent ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mas mataas ito kumpara sa 25.9 percent noong December 2024, at pinakamataas simula nang maitala ang record high na 30.7 percent noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong Sept. 2020.

Sa March 15 to 20 survey na kinomisyon ng Stratbase group at nilahukan ng 1,800 respondents, lumitaw na mas mataas ng 6 percent ang involuntary hunger ngayong buwan kumpara sa 21.2 percent noong Pebrero.

Sa 27.2 percent families na nakaranas ng gutom, 21 percent ang dumanas ng moderate hunger o isang beses lang nagutom habang 6.2 percent ang dumanas ng severe hunger o ilang beses nagutom sa nakaraang tatlong buwan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).