8 July 2024
Calbayog City
Business

Mga unang investment sa Maharlika, iaanunsyo sa susunod na 3  o  4 na buwan

maharlika

Nakatakdang ianunsyo ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang mga unang proyekto na kanilang popondohan sa mga susunod na buwan.

Ayon kay MIC President and Chief Executive Officer Raphael Jose “Joel” Consing, umaasa sila na ma-i-a-anunsyo nila ang isa o dalawang commitments sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan.

Aniya, malaki ang posibilidad na ang mga ito ay sa energy at transport spaces.

Ipinaliwanag ni Consing na mag-i-invest sila sa mga naturang sektor dahil mas mabilis ang pagsulong ng mga ito kumpara sa ibang mga proyekto.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *