Ooperahan ang Philadelphia 76ers star center na si Joel Embiid para maiayos ang lateral meniscus sa kanyang kaliwang tuhod.
Ayon sa koponan, wala pang immediate timetable kung gaano katagal na hindi makapaglalaro ang bente nueve anyos na Cager, subalit hindi naman ito inaasahan na magiging season-ending injury.
Sa mga nakalipas na linggo ay nagkaroon ng problema si Embiid sa kanyang kaliwang tuhod matapos mamaga dahilan para ma-miss nito ang game laban sa Denver Nuggets noong Jan. 27 at sa Portland Trail Blazers noong nakaraang lunes.