20 January 2025
Calbayog City
Overseas

Mga tagasuporta ni Yoon Suk Yeol, sumugod sa korte matapos paliwigin ang detention ng impeached South Korean President 

SUMUGOD ang mga supporter ni Impeached South Korean President Yoon Suk Yeol sa korte sa Seoul makaraang palawigin ng judge ang detention ng dating lider bunsod ng kanyang bigong pagde-dedeklara ng martial law.

Libo-libong katao ang nagtipon-tipon sa labas ng Seoul Western District Court upang ipakita ang kanilang suporta kay Yoon, na kauna-unahang sitting president ng South Korea na inaresto sa isang raid.

Matapos i-extend ng korte ang detention ni Yoon, winasak ng mga supporter nito ang mga bintana at pintuan nang sumugod sila sa loob ng building.

Ang naturang insidente ang pinakabagong episode ng nagpapatuloy na political crisis sa South Korea simula noong Dec. 3, nang magdeklara si yoon ng batas militar subalit binawi rin makalipas lamang ang ilang oras.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).