Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga Pinoy na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa Nepal.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Nepal sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas sa New Delhi at konsulada sa Kathmandu.
Sinabi ng DFA na sa ngayon walang napaulat na Pinoy na naapektuhan ng kaguluhan sa Nepal at bagaman mayroon nang nabuong interim government sa nasabing bansa ay patuloy na pinag-iingat ang mga Filipino Community doon.
Payo naman ng DFA, ipagpaliban na lamang muna ang lahat ng uri ng pagbiyahe patungong Nepal turista man o para magtrabaho.
Para sa mga Pinoy na nasa Nepal ngayon, iwasan pa rin ang madalas na paglabas at sundin ang safety and security instructions ng local authorities.
Agad ding makipag-ugnayan sa konsulada ng Pilipinas sa Kathmandu kung mangangailangan ng agarang tulong.




