Bubuksan na muli sa mga susunod na araw ang OFW Lounge sa NAIA Terminal 1.
Pansamantala itong isinara para mas palakihin ang pwesto at palawakin pa ang serbisyo.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sa press briefing ng Department of Migrant Workers sa muling pagbubukas ng OFW Lounge sa NAIA Terminal 1, magkakaroon na ng serbisyo ang OWWA na e-Card printing.
Kaya habang nagpapahinga o naghihintay ang mga OFW, maaari na silang magpa-imprenta ng kanilang e-Card.
Maliban dito, sinabi ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan na hindi na lamang lugaw at pansit ang pagkaing ihahain sa lounge para sa mga OFW dahil magkakaroon na din ng special meal para sa breakfast, lunch at dinner.
Magugunitnang isinara pansamantala ang OFW Lounge sa Terminal 1 para maisailalim sa renovation.
