INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng Cabinet secretaries ng gobyerno na magsumite ng courtesy resignations.
Ayon sa pangulo, bahagi ito ng layuning mag- recalibrate sa kaniyang administrasyon kasunod ng katatapops lamang na midterm elections.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sa ganitong paraan sinabi ng pangulo na maiaangkla ang gobyerno sa kung anong inaasahan ng mamamayan.
“The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” ayon sa pangulo.
Sa pagpapasumite ng courtesy resignations ay mabibigyan ng pagkakataon ang pangulo na magsagawa ng evaluation sa performance ng pawat ahensya at tutukuyin kung magpapatuloy ang paninilbihan ng kasuluyang pamunuan ng mga departamento.
Tiniyak naman ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng gobyerno sa pagbibitiw ng mga miyembro ng gabinete.
Matapos ang eleksyon, sinabi ni Marcos sa isang panayam na dismayado ang taumbayan sa serbisyo ng gobyerno.
Aminado ang pangulo na hindi nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw nang pagbubuo ng mga proyekto kaya naiinip ang taumbayan.
