INANUNSYO ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang plano ng pamahalaan na magtayo ng bagong tulay malapit sa San Juanico Bridge.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Bonoan na ang bagong tulay ay may habang 2.6 kilometers, mas mahaba kumpara sa San Juanico.
ALSO READ:
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Aniya, popondohan ito sa pamamagitan ng Official Development Assistance mula sa Japanese government.
Idinagdag ni Bonoan na isa ito sa magiging Flagship Projects ng Marcos Administration.
Sa ngayon aniya ay nasa ilalim ng Detailed Engineering Design ang proyekto.
