NAMAYAGPAG ang mga mangingisda mula sa Catbalogan City sa Samar Day Banca Race ngayong taon.
Ipinagdiwang sa naturang event ang mayamang maritime heritage ng Samar, at ibinida ang impresibong lakas ng mga lokal na mangingisda.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Walang kapagurang nagsagwan ang mga lumahok habang naglalayag ng ilang kilometro sa Maqueda Bay sa bisinidad ng Barangay Payao hanggang Barangay Ubanon.
Tinalo ng Catbalogan City Boatmen ang labimpitong kalahok mula sa iba’t ibang lugar mula sa Samar para masungkit ang kampeonato at manalo ng labinlimang libong piso.
