5 August 2025
Calbayog City
National

Mga buto na narekober sa Taal Lake, planong ipadala ng DOJ sa ibang bansa para sa DNA Testing

PLANO ng Department of Justice (DOJ) na ipadala sa isang Foreign Laboratory, ang mga buto na narekober sa Taal Lake sa Batangas, para sa Advanced DNA Testing.

Inamin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kulang ang Pilipinas sa Technological Capacity para sa Complex DNA Analysis, kaya posibleng ipadala nila ang mga buto sa Japan.

Binigyang diin din ng kalihim na mahalaga ang integridad ng imbestigasyon, kaya handa ang gobyerno na gawin ang anumang kinakailangan para lumutang ang katotohanan.

Una nang humingi ng tulong ang DOJ sa Japan para sa pagsasagawa ng mas Advance na DNA Testing sa mga narekober na buto na iniuugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).