ISINAILALIM sa State of Calamity ang bayan ng Manjuyod at Bais City sa Negros Oriental kasunod ng Wastewater Spill mula sa Ethanol Distillery Plant ng Universal Robina Corp. (URC).
Ayon sa dalawang Local Government Units, labimpitong barangay ang naapektuhan ng Wastewater Spill.
Pinakilos na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang team, kasama ang Partner Government Agencies at LGUs para kontrolin at i-assess ang epekto ng malawakang Wastewater Spill sa Bais City.
Nasa 255,000 cubic meters ng Mosasses Wastewater ang tumapon sa Bais City noong Oct. 26 mula sa Ethanol Distillery Plant na posibleng magdulot ng seryosong banta sa Marine Life na saklaw ng Tañon Strait Protected Seascape.

					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
									


