DALAWAMPU’T isa ang nasawi habang tatlumpung iba pa ang nawawala, kasunod ng Landslide sa Rift Valley Region sa Kenya, bunsod ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan.
Mahigit isanlibong kabahayan ang winasak ng Mudslides sa Chesongoch sa Elgeyo Marakwet County, sa Western Kenya.
Iba’t ibang kalsada rin ang naputol kaya in-airlift ng Pamahalaan ang tatlumpung survivors na nagtamo ng mga seryosong pinsala patungo sa isang ospital sa Eldoret City.




