MASAYANG ibinalita ni Calbayog City Vice Mayor Rex Daguman ang latest developments kaugnay ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Samar Day.
Sinabi ng bise alkalde na kamakailan ay nagkaroon sila ng pagpupulong ng City Engineering Office, CAPOSO, at City Economic Enterprise, kung saan tinalakay nila ang paglalagay ng Grand Parksyadahan sa Coastal Road.
ALSO READ:
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Kinumpirma ni Vice Mayor Rex na ang Calbayog City ang magho-host ng malalaking aktibidad para sa Samar Day.
Ang Parksyadahan aniya ang magiging sentro ng kapistahan, na idinisenyo para humikayat ng mga lokal at mga bisita, dahil sa taglay nitong masaya at bonggang selebrasyon.
