INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng Local Government Units at mahahalagang government agencies na magbigay ng mga kinakailangang tulong para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Aghon.
Sa kanyang social media post, sinabi ng pangulo na nakahanda na ang lahat ng food at non-food items, health services, at evacuation centers para tulungan ang mga apektadong komunidad.
Hinimok din ni Pangulong Marcos ang publiko na bantayan ang isa’t isa, lalo na ang mga pina-vulnerable na miyembro ng komunidad.
Pinayuhan din nito ang lahat ng mga nasa apektadong lugar na manatiling mapagbantay at unahin ang kanilang kaligtasan.