ITINUTURING ng Department of Social Welfare and Development National Authority for Child Care (DSWD-NACC) ang pagsugpo sa mga kaso ng online illegal adoption, at isinasagawa ang transaksyon sa pamamagitan ng social media.
Sinabi ni DSWD-NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada, na pumasok siyang miyembro sa isa sa mga facebook groups, dahil gusto niyang maobserbahan ang kalakaran at nakikita niyang marami ang nagpo-post na nagbebenta ng kanilang mga anak.
Aniya, mayroon namang iba na hindi nagpapabayad pero gustong ipaampon ang anak at mayroon ding vulnerable individuals na gustong magkaanak sa mabilis na paraan.
Sa ilalim ng bagong administrative system ng pamahalaan, pinabilis at pinadali na ang adoption process, kung saan ang foster parents ay hindi na obligadong humarap sa korte.