LUMAHOK ang Provincial Government of Samar, sa pamamagitan ni Governor Sharee Ann Tan, sa executive session sa Bayang Malusog: Provincial Leadership Development Program to Accelerate Universal Health Care and Nutrition sa pangunguna ng Department of Health.
Ang DOH, sa pakikipagtulungan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at UP Manila-School of Health Sciences (UPM-SHS), ay naglunsad ng programa bilang suporta sa layunin ng lalawigan na maabot ang required integrations para sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC)-Provincewide Health System.
Ang Bayang Malusog Program ay inaasahang magpapatibay pa sa pagnanais ng lalawigan na mapagkalooban ng health at nutrition services ang lahat ng Samarnon.
Sa naturang executive session, in-evaluate ni Governor Tan, kasama ang iba pang Department Heads at program implementers, ang health systems sa lalawigan, at tinukoy ang mga pagkukulang at problema sa pagpapatupad ng UHC and Nutrition, pati na ang Adolescent Sexual and Reproductive Health and Rights.