Nakakumpiska ang Bureau Of Customs ng 27.6 million pesos na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Davao City.
Sa statement, sinabi ng BOC na nasabat nila ang barko na may lulang kontrabando sa katubigan ng Davao gulf, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 717 master cases, 0 85,850 reams ng iba’t ibang brands ng sigarilyo.
Nag-isyu na ang BOC-Davao ng Warrant of Seizure and Detention sa mga kinumpiskang sigarilyo na ngayon ay nasa isang warehouse.