Dalawang South Koreans ang kabilang sa labing walong (18) sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng mga kasong drug smuggling at trafficking sa Vietnam.
Sinentensyahan ang dating South Korean Police Officer na si Kim Soon-Sik, at kababayan nitong si Kang Seon-Hok ng kamatayan, kasunod ng apat na araw na trial sa Ho Chin Minh City.
Ang Chinese citizen naman na si Li Tian Guan, at umano’y Vietnamese ringleader na si Le Ho Vu, ay pinatawan din ng death sentence.
Labing apat pang katao ang pinatawan ng parusang kamatayan kaugnay ng kaso, matapos ang trial sa family and juvinile court, sa under Ho Chin Minh City People’s Court.
Ayon sa state media news site na Cong An Nhan, 216 kilos ng droga ang iligal na inimbak at ibinenta ng grupo sa pagitan ng mayo at hunyo ng taong 2020.