MAHIGIT isanlibong estudyante ang tumanggap ng educational assistance sa Tinambacan district, sa Calbayog City.
Pinangunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pamamahagi ng educational assistance sa kabuuang isanlibo dalawandaan at tatlumpu’t isang mag-aaral sa Tinambacan hall, kahapon.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Bawat estudyante ay tumanggap ng tatlunlibong piso bilang bahagi ng 2025 LGU educational assistance program.
Ang naturang payout ay patunay ng commitment ng lokal na pamahalaan sa edukasyon, na may pitunlibong scholars na nakinabang mula sa programa ngayong taon.
Nakiisa rin sa seremonya sina Vice Mayor Rex Daguman, City Councilors Eddie Tibo, Adjie Sumagang, Rhena Tafalla, at Josie Tan; at Board Member Lydia Delos Reyes.
