PINABULAANAN ng aktres na si Ivana Alawi ang kumakalat na tsismis sa social media na na-diagnose umano siya na mayroong cancer.
Sinabi ni Ivana na nagkaroon lamang siya ng trangkaso kamakailan.
ALSO READ:
Barbie Imperial, nilinaw na walang “bad blood” sa pagitan nila ni Sarah Lahbati
Ex-couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence, pinakilig ang fans sa mga TikTok videos at livestreams
Steven Spielberg, nakamit ang Coveted Egot Status sa pamamagitan ng pagkapanalo sa Grammy 2026
British singer na si Olivia Dean, wagi ng Best New Artist sa Grammys 2026
Nanindigan ang youtube vlogger na malusog siya at walang history ang kanilang pamilya na na-diagnose na may cancer.
Idinagdag ni Ivana na labis na nag-alala ang kanyang ina sa kanyang kondisyon nang mabasa ang aniya ay maling balita.
Tiniyak din niya sa publiko na maayos siya, kasabay ng pagsasabing fake news ang kumakalat sa social media.
