MAGDE-deploy ang PNP ng mahigit siyamnalibong pulis para sa ipatutupad na seguridad ng Trillion Peso March na itinakda sa Linggo, Nov. 30.
Sa statement, sinabi ng PNP na 7,443 personnel mula sa kanilang Civil Disturbance Management Units at 1,656 personnel mula sa kanilang Reactionary Standby Support Force Units ang gagamitin para sa crowd control, monitoring, and response, sa Anti-Corruption Protest.
Net Worth ni COA Commissioner Lipana, lumobo ng 120% simula 2022 hanggang 2024, ayon sa kanyang SALN
Rekomendasyon na panagutin si Dating Speaker Martin Romualdez sa flood control scandal, ibinase sa ebidensya – DPWH chief
VP Sara, handang maging pangulo sakaling mag-resign si PBBM
Kickback sa LOA ng BIR, ibinunyag sa senado
Partikular na naka-full alert ang status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang ma-maximize ang presensya at kapasidad ng pulisya sa rally.
Tiniyak ni PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi sila magpapabaya, at sa pamamagitan ng Full Alert Status ay agad marerespondehan ang anumang sitwasyon at mapananatili ang mapayapang paglalahad ng mga saloobin.
