Plano ng Namibia na katayin ang 723 wild animals, kabilang ang walumpu’t tatlong elepante, at ipamahagi ang karne nito sa mga taong walang makain dahil sa matinding tagtuyot sa buong Southern Africa, ayon sa Environment Ministry.
Isasagawa ang pagkatay sa mga hayop sa mga parke at communal areas, kung saan naniniwala ang mga awtoridad na lagpas na ang bilang ng mga hayop para makinabang sa land at water supplies.
ALSO READ:
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
US President Donald Trump, nakisayaw sa mga performer nang dumating sa Kuala Lumpur
10 katao, patay sa Russian Munitions Plant sa Urals
Peru, nagdeklara ng 30 araw na State of Emergency sa Lima para talakayin ang tumataas na krimen
Ayon sa United Nations, nahaharap ang Southern Africa sa pinakamalalang tagtuyot sa loob ng ilang dekada, at nakapagbigay na ang Namibia ng 84 percent ng kanilang reserbang pagkain noong nakaraang buwan.
Halos kalahati ng populasyon ng Namibia ang inaasahang makararanas ng mataas na lebel ng food insecurity sa mga susunod na buwan.
