Iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang paniningil ng penalty sa mga motoristang walang RFID stickers o walang sapat na load sa Oct. 1, mula sa naunang kautusan na Aug. 31.
Umaasa si DOTr Secretary Jaime Bautista na sa pamamagitan ng pagpapaliban ay mabibigyan ng karagdagang panahon ang tollways upang ipabatid sa publiko ang bagong guidelines.
Alinsunod sa bagong patakaran, ang pagpasok sa tollway nang walang RFID sticker ay may multa na 1,000 pesos para sa first offense, 2,000 pesos para sa second offense, at 5,000 pesos para sa mga susunod na paglabag.
Samantala, ang paglabas sa toll expressway nang walang sapat na balanse para magbayad ng fees ay may multa na 500 pesos para sa first offense, 1,000 pesos para sa second offense, at 2,500 pesos para sa mga susunod na paglabag.