Itinanghal na kampeyon ang Far Eastern University (FEU) sa United Women’s Invitational Football League, matapos padapain sa finals ang Kaya FC-Iloilo sa score na 1-0, sa Rizal Memorial Football Stadium, sa Maynila.
Nagmula kay Carmela Altiche ang marginal goal na naitala sa 37th minute para sa FEU, habang nakagawa si Yasmine Elauria ng maraming key saves para pagtibayin ang unbeaten campaign ng Lady Tamaraws, sa pamamagitan ng limang panalo sa cup division.
Nasa ikatlong pwesto naman ang Manila Digger FC matapos talunin ang University of the Philippines sa score na 1-0, para sa bronze medal match.