LIMAMPU’T dalawang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tumanggap ng Safe Conduct Passess sa pamamagitan ng Amnesty Program ng gobyerno.
Ang distribusyon ay pinangunahan ni Tacloban City Mayor and Local Amnesty Board Chairman Alfred Romualdez at mga opisyal ng militar.
ALSO READ:
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Sa pamamagitan ng passes, magagarantiyahan ang mobility at proteksyon ng mga dating rebelde habang pinoproseso ang kanilang amnesty applications.
Umapela si Col. Rico Amaro, Deputy Commander ng 802nd Infantry Brigade, sa recipients na kumbinsihin ang mga aktibong rebelde na sumuko.
Tatagal ang amnesty application hanggang sa Marso ng susunod na taon.
