13 November 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan

MAHIGIT tatlunlibo pitundaang kabahayan ang nasira sa Eastern Visayas, kasunod ng pananalasa ng mga Bagyong Tino at Uwan, dahilan kaya daan-daang pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation centers.

Batay sa latest monitoring, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kabuuang 226 na kabahayan ang totally damaged, habang 3,490 ang nagtamo ng bahagyang pinsala sa iba’t ibang lugar na naapektuan ng magkasunod na bagyo.

Sa tala ng Regional Office, 661 families o 2,359 individuals ang kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers sa buong rehiyon bunsod ng Super Typhoon Uwan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).