29 June 2024
Calbayog City
Business

Mahigit 36 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inaprubahan ng PEZA sa unang 5 buwan ng taon

peza

Umabot sa 36.827 billion pesos na halaga ng investments ang inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) simula Enero hanggang Mayo.

Ayon sa PEZA, ang inaprubahang investment commitments ay binubuo ng siyamnapu’t limang bago at expansion projects na inaasahang magdye-generate ng isang bilyong dolyar na exports at lilikha ng labinsiyam na libong trabaho.

Inaasahang palalakasin ng approved investments ang iba’t ibang industriya, partikular ang manufacturing at IT-BPM sectors.

Sa nakalipas lamang na buwan ng Mayo ay dalawampu’t dalawang bago at expansion projects ang inaprubahan ng PEZA, na nagkakahalaga ng 6.872 billion pesos.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *